Connect with us

Manila Bulletin, may patunay sa ibinunyag na hacking sa server ng COMELEC

Manila Bulletin, may patunay sa ibinunyag na hacking sa server ng COMELEC

National News

Manila Bulletin, may patunay sa ibinunyag na hacking sa server ng COMELEC

Nanindigan ang Manila Bulletin na may katunayan silang na-hack nga ang server ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2022.

Ayon kay Art Samaniego, isang Tech News editor, may screenshots na ipinadala sa kanila ng grupo ng mga hacker na nagpapatunay sa kanilang inihayag.

Ang naturang screenshots ay naglalaman ng active directory ng COMELEC at file ng vote counting machine pins mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) hanggang Region 13.

Ipinadala na rin ng Manila Bulletin ang screenshots sa mismong tanggapan ng COMELEC.

Naniniwala naman si Samaniego comna posibleng humihingi ng bug bounty ang hackers.

Ang bug bounty ay ibinibigay para sa mga magagaling na hackers na nakadiskubre ng security flaws ng isang sistema.

Wala namang nakikitang pamumulitika sa likod ng nasabing hacking.

 

 

More in National News

Latest News

To Top