Connect with us

Manila Bay dolomite beach, target gawing tourist spot ng DENR

Target ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gawing tourist spot ang Manila Bay Dolomite Beach at ideklarang ligtas na paliguan

National News

Manila Bay dolomite beach, target gawing tourist spot ng DENR

Target ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gawing tourist spot ang Manila Bay Dolomite Beach at ideklarang ligtas na paliguan bago matapos ang Duterte Administration.

Sa unang weekend ng pagpapatupad ng Alert level 3 sa Metro Manila, mala-blockbuster ang linya ng mga nais masilayan ang bagong mukha ng Manila Bay dolomite beach.

Sabik na nagdagsaan ang mga tao sa kabubukas na attraction.

Dahil dito, layon ng  DENR na maging tourist spot ang Dolomite Beach para muling mabuhay ang mga negosyo sa lugar.

Ayon kay Usec. Benny Antiporda, umaasa ang ahensya na maibabalik muli ang sigla ng negosyo sa Roxas Boulevard sakaling matapos na ang pandemya.

“We’re expecting na talaga hong sakaling tuluyan na pong maglaho itong pandemyang ito eh muli hong magbabalik ‘yung sigla ng negosyo sa lugar na iyan ano po. Kita naman po natin overwhelming po ‘yung pagtanggap ng tao dito po sa dolomite project po ng atin pong pamahalaan and of course napakarami pong nakita nating pagbabago at tagumpay na nakita po natin sa nangyaring proyektong ‘yan.”

Target din ng ahensya na ideklarang ligtas na paliguan ang Dolomite Beach bago mapaso ang Duterte Administration.

“ Nakikita nga po ng atin pong kalihim na ipinipilit po na bago ho matapos ang administrasyong ito ay maging swimmable na po iyang area’ng ‘yan ano po. Iyan po ‘yung pinipilit ng atin pong Kalihim Roy A. Cimatu na nakikita naman po natin na talagang hindi ho imposibleng makamit natin dahil malaki na po ang ibinaba ng fecal coliform level po ng tubig natin.”

Ipinagmalaki rin ng ahensya na nakamit nila ang layuning “behavioral change” kaugnay ng hindi pagtatapon ng mga tao ng kanilang basura sa Manila Bay.

Samantala, mayroon namang mga marshals sa Dolomite Beach na mahigpit na nagbabantay upang mapanatili ang public health standards sa lugar.

Ipinapaalala din ng ahensya na ipinagbabawal ang pagdadala doon ng mga alagang hayop, paglangoy, pagkain, paninigarilyo, pagkakalat ng basura at pagpulot ng buhangin sa beach.

Sa ngayon, ay nasa phase 2 na ang Manila Bay Rehabilitation Project.

More in National News

Latest News

To Top