Connect with us

Manhunt ops laban sa communist terrorist na nanambang sa mga pulis sa Camarines, ikakasa ng PNP

Ito ang matapang na pahayag ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar laban sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-National People's Army -National Democratic Front (CCP-NPC-NDF).

National News

Manhunt ops laban sa communist terrorist na nanambang sa mga pulis sa Camarines, ikakasa ng PNP

Tapusin na natin ‘to! Ito ang matapang na pahayag ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar laban sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-National People’s Army -National Democratic Front (CCP-NPC-NDF).

Partikular na sa mga responsable sa pagkamatay ng mga kasamahan nito sa serbisyo sa Abo, Camarines Norte.

Ani Eleazar, hindi dapat na palampasin ang mga pangyayari dahil sa hindi lang ang kanilang hanay ang maapektuhan kundi maging ang mga militar at buong bansa.

“Ngayon, nangyari na naman ito kung saan namatayan tayo ng limang kapatid sa serbisyo. Huwag na nating hayaan na paulit-ulit pang mangyari ito in the future. Tapusin na natin ito dahil hindi lang tayo sa PNP, sa AFP ang naapektuhan nito kundi ang ating bansa, ang taumbayan apektado sa mga pag-atakeng ito,”ani Eleazar.

Kaya naman, bilang bahagi ng pagkondena ng PNP sa pagpatay ng mga miyembro ng New People’s Army sa ilang PNP personnel.

Agad na inatasan ni Eleazar sina PRO-4A Regional Police Director BGen. Felipe Natividad at PRO-5 Regional Police Director BGen. Bartolome Bustamante na makipag-ugnayan sa kanilang AFP counterpart para sa ikakasang hot pursuit operations laban sa mga NPA.

Sinabi ni Eleazar na ang ginawang pag-ambush ng NPA sa Pulisya ay patunay na wala talagang balak ang communist movement na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa at nais ng mga ito na maghari at ipakita ang kanilang kapasidad na gumawa ng karahasan.

Idiin din nito, na matagal na nitong nababalitaan ang mga kaugnayan ng NPA sa kanilang lugar noon bagay na hindi na nito ikinatutuwa matapos ang nangyaring pananambang ng NPA ang pitong miyembro ng 2PFMC sa Barangay Dumagmang ng nasabing na nauwi sa tatlong oras na sagupaan.

“Bata pa lang ako sa Tagkawayan (Quezon), nababalitaan ko na yung mga ambush ng NPA sa ating Kasundaluhan at sa mga pulis. Ako mismo, bilang police commander ay namatayan na rin ng mga tauhan, mga kapatid sa serbisyo dahil sa communist insurgency,”

Samantala, para naman kay Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado, personal na itong nagpaabot ng kaniyang buong suporta sa programa ng pamahalaan sa ilalim ng NTF-ELCAC.

Aminado si Tallado na marami sa mga lugar sa kaniyang probinsiya ang kasalukuyang apektado ng  presensiya ng NPA.

More in National News

Latest News

To Top