Connect with us

Mambabatas, pinasalamatan si Pastor Quiboloy sa tulong nito sa mga biktima ng Bagyong Maring sa Benguet

Nagpasalamat ang kinatawan ng Benguet sa Kongreso na si Eric Yap kay Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa paghahatid nito ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Maring.

National News

Mambabatas, pinasalamatan si Pastor Quiboloy sa tulong nito sa mga biktima ng Bagyong Maring sa Benguet

Nagpasalamat ang kinatawan ng Benguet sa Kongreso na si Eric Yap kay Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa paghahatid nito ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Maring.

Isa ang Benguet sa mga pinakamatinding tinamaan ng Bagyong Maring.

Maraming bahay ang nasira, kabuhayan at buhay ay nawala.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 30 ka tao ang nasawi sa bagyo.

Mahigit ₱1-Billion ang danyos sa agrikultura.

Sa La Trinidad, mahigit sa ₱12-million ang danyos sa agriculture sector.

Bukod pa ito sa mga ari-ariang nabiktima ng landslide na iniwan ng bagyo.

Kaya naman nagpadala ng tulong doon si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ.

Kahit nasa Davao City ay ipinakilos nito ang SMNI Foundation Incorporated pati na ang volunteers ng Sonshine Philippines Movement at Children’s Joy Foundation Inc.

Hindi lang basta ayuda, kundi balde-baldeng tulong ang ipinaabot ni Pastor Apollo.

Nagpasalamat naman ang kinatawan ng Benguet sa tulong at malasakit ng butihing Pastor.

“Unang-una gusto kong magpasalamat kay Pastor Quiboloy talagang everytime nalang na may sakuna, may calamity lagi siyang nandudun lagi siyang tumutulong.”

Diin ni Yap, malaki ang utang na loob nilang mga taga Benguet kay Pastor Apollo.

Lalo na’t hindi nila inasahan na malaki ang danyos na dulot ng bagyo.

Giit ni Yap, hindi mababayaran ng ordinaryong salita ang tulong na hatid ni Pastor Apollo

“Hindi po mababayaran ng salita or ordinaryong pagpapasalamat ang ginagawa ni Pastor Quiboloy. Hindi po namin siya makakalimutan sa Benguet and from the bottom of our hearts, maraming-maraming salamat kay Pastor Quiboloy.”

“Nakikita ko kasi ang programa ni Pastor Quiboloy napapanood ko and puro tulong ang ginagawa kaya nagpapasalamat ako na andiyan ang team ni Pastor Quiboloy lalo na sa Benguet para magbigay ng tulong.”

Matapos daanan ng kalamidad, pilit ngayong babangon ang mga taga Benguet.

Sa gitna na rin ito ng hamon ng pandemyang hatid ng COVID-19.

“Tinamaan kami ng Bagyong Maring kinabukasan namigay tayo ng relief goods and syempre the more po the merrier po. Tapos marami po kasi hanggang ngayon naglilinis pa ng mga bahay yung mga ibang kababayan ko don. Mga iba pang kailangan namin siguro yung mga materyales katulad noong mga yero, mga plywood, panggawa ng bahay nila yung nasira.”

More in National News

Latest News

To Top