Ibinulgar ni Deputy Speaker Danilo Fernandez ng 1st district ng Laguna ang hindi paglalabas ng Meralco ng tamang kumpyutasyon ng kuryente.

Maling kumpyutasyon ng Meralco, dahilan ng mataas na singil sa kuryente

National News

Ibinulgar ni Deputy Speaker Danilo Fernandez ng 1st district ng Laguna ang hindi paglalabas ng Meralco ng tamang kumpyutasyon ng kuryente.

Ito ang nakitang butas ng mambabatas kung bakit mataas ang singil sa kuryente sa mga nakalipas na panahon.

Sa naging panayam ng smni news kay Cong. Fernandez, sinabi nitong dapat malaman ng taumbayan ang tamang pormulasyon sa generation rate, transmission rate at distribution rate.

Samantala, punto pa ni Cong. Fernandez na may tatlong klase ng kuryente sa bansa; mula sa pinakamura o yung base load, mura o yung mid-merit at picking powerplant o mahal na kuryente.

Inihayag pa nito na sa naging pag-aaral niya, dapat ang tatlong klase na ito ng kuryente ay pinagha-halo-halo para hindi tumaas ang patak ng singil na taliwas sa ginagawa ng mga powerplant sa bansa kagaya ng Meralco.

Aniya, malinaw naman itong nakasaad sa batas.

“Ang sinasaad ng batas under section 23 ng Republic Act 9136, sinasabi nila the distribution utilities shall provide electricity to our consumers in the least cost manner. Ibig sabihin sa pinakamurang pamamaraan, dapat i-mix mo yung kuryenteng pinakamura, mura at saka mahal. Iyan ang io-offer natin oras-oras sa ating mga kababayan. Ngayon, hindi nila ginawa ‘yun. bakit? For the last 20 years, hindi sila nag-mix ng fuel,” saad nito.