Connect with us

Malaysia, hinikayat ni Pang. Duterte na tulungan ang mga Pilipinong nasa kanilang bansa

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia na mag abot din ng kanilang tulong sa mga Pilipino na nasa kanilang bansa tulad ng ginagawa ng gobyerno sa kanilang mga kababayan na narito sa Pilipinas.

National News

Malaysia, hinikayat ni Pang. Duterte na tulungan ang mga Pilipinong nasa kanilang bansa

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia na mag abot din ng kanilang tulong sa mga Pilipino na nasa kanilang bansa tulad ng ginagawa ng gobyerno sa kanilang mga kababayan na narito sa Pilipinas.

Ang apela ng pangulo ay kahit pa sa gitna ng isyu ng Sabah.

“We are trying our best to appeal to the humanitarian sense of the Malaysian government to please help our citizens in your country, as we would — as we would do for your citizens if they are in our country.”

Sa kaniyang ulat sa bayan, kasabay ng pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Pangulong Duterte na ikinatuwa niya ang ulat na makauuwi na ang ibang mga Pilipino mula sa Sabah.

“Now, I am happy to hear from Secretary Galvez that they are coming home, some of them are from Sabah.”

” Iyon, malamang doon din even the issue of hospital care. That has been a very ticklish issue between our government,” ani pangulo.

Iniulat kasi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na aabot na sa 2,000 mga Pilipino na ang natutulungan ng pamahalaan na ma-repatriate mula Sabah.

Habang , nasa 3,000 Pilipino pa sa Sabah ang naghihintay na sila ay maiuwi sa Pilipinas.

Ani Lorenzana, “Iyan pong galing sa Sabah, ‘yon pong panlimang batch na galing sa Sabah, Malaysia ay darating sa Lunes — 400 po ito. Kapag dumating po iyon na mayroon ng mga 2,000 na dumating, mayroon pa tayong 3,000 na nandoon naghihintay po — ng tulong para umuwi dito sa atin.”

Sa pinakahuking tala, sinabi ni Lorenzana na mayroon ng 200,431 na napauwing mga OFWs mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Giit pa ni Lorenzana, importanteng pinagkakaabalahan ng pamahalaan ang pagpapauwi ng mga OFWs at ang mga kababayang Pinoy na nasa Sabah.

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Duterte ang Department of Foreign Affairs (DFA) partikular ang mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa na i-check at gumawa ng validation report kung may mga Pilipino pa bang na stranded sa kani-kanilang area of reaponsibility kung saan sila nakadestino.

More in National News

To Top