Connect with us

Malalimang imbestigasyon sa nasabat na high-powered firearms sa QC at Bulacan, iniutos

Ipinag-utos ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon sa mga nadiskubreng high-powered firearms

National News

Malalimang imbestigasyon sa nasabat na high-powered firearms sa QC at Bulacan, iniutos

Ipinag-utos ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon sa mga nadiskubreng high-powered firearms sa operasyon sa Quezon City at Bulacan.

Ayon kay Eleazar, inatasan na niya ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa nasabing imbestigasyon.

Gayundin ang pagpapaigting sa intelligence gathering upang matunton ang mga lugar o warehouse na ginagamit na imbakan ng mga iligal na armas.

Kasabay nito, ibinida ni Eleazar na nalansag sa operasyon ang isang gun-running syndicate.

Samantala, binati ng Chief PNP ang mga pulis at sundalo sa matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakasabat sa mga iligal na armas.

More in National News

Latest News

To Top