Connect with us

Malaking intelligence fund, mahalaga sa seguridad ng bansa

Nanindigan ang office of the President na importante na mataas ang confidential at intelligence fund ng Office of the President laban sa terorismo sa bansa.

National News

Malaking intelligence fund, mahalaga sa seguridad ng bansa

Nanindigan ang Office of the President na importante na mataas ang confidential at intelligence fund laban sa  banta ng terorismo sa bansa.

Ito’y matapos kuwestiyunin ng mga taga Makabayan Bloc ang kawalan ng ideya ng OP sa pagkakasangkot ng ilang Chinese companies sa militarisasyon sa West Philippine Sea kahit mataas ang pondo para sa intelligence.

Sa budget hearing ng Kamara sa Office of the President, naglaan ng P4.5 billion para sa confidential at intelligence funds sa 2021.

Umapela naman si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na ilaan na lamang sa kalusugan at kabuhayan ng mamamayan ngayong may pandemya ang budget para sa intel funds.

Pero katwiran naman dito ni Deputy Executive Secretary Alberto Bernardo kailangan na kailangan ang intel funds dahil sa kabila ng COVID-19 pandemic ay marami pa ring mga terorista ang nagsasamantala at nagtatangka na pabagsakin ang seguridad sa bansa.

Sa kabila nito, inabrubahan na ng Kamara ang panukalang P8.238 bilyon na pondo para sa Office of the President para sa taong 2021 habang nasa 679 milyon naman ang inilaang pondo para sa Office of the Vice President.

Nagpasalamat naman ang OVP sa inilaang pondo at umaasa na magagamit nila ito upang lalong mapaigting ang kanilang programa na kanilang ibinabahagi sa mga apektadong Pilipino sa banta ng COVID-19 sa bansa.

 

More in National News

To Top