Connect with us

Malakanyang, tumangging magbigay ng legal advice kay Rep. Defensor sa pamimigay ng Ivermectin

Dumistansya ang Malakanyang sa usapin ng pamamahagi ni Anakalusugan Party-list Representative Michael Defensor ng Ivermectin sa publiko.

National News

Malakanyang, tumangging magbigay ng legal advice kay Rep. Defensor sa pamimigay ng Ivermectin

Dumistansya ang Malakanyang sa usapin ng pamamahagi ni Anakalusugan Party-list Representative Michael Defensor ng Ivermectin sa publiko.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry sa isang pulong balitaan, hindi siya magbibigay ng legal advice sa inisyatiba ni Defensor na pamimigay ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City bilang panlaban aniya sa sakit na COVID 19.

“I will not give a legal advice on something na I am not engaged professionally ‘no.”

“So importante po na-stress lang natin ang mandato ng FDA, sila po ang magbibigay ng approval para masiguradong ligtas, epektibo ang mga ginagamit na gamot lalung-lalo na kung ito po ay gagamitin laban sa COVID-19,” saad ni Roque.

Punto ni Roque, ang Food and Drug Administration ang siyang magkakaloob ng approval upang matiyak na ligtas at epektibo ang isang gamot.

Sa ngayon, wala pa aniyang datos na nagpapakita na talagang epektibo ang Ivermectin na gamot panlaban sa COVID-19.

Pahayag naman ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Department of Health Technical Advisory Group, mataas ang dose ng Ivermectin at hindi ito mainam na gamitin ng tao.

” ‘Yung dose ng Ivermectin para sa bulate is about 3 to 15mg, [at] once lang ‘yan. ‘Yung sinabing gamitin para sa virus na wala naman talagang ebidensya sa ngayon ay mataas ang dose…repeated dosing.”

Sa ganoong kataas ng dose, giit ni Salvana, maaring magka-brain damage o kaya’y mamatay ang isang tao.

“Sa ganiyang kataas na dose, pwedeng magkaroon ng brain damage ang isang tao at pwedeng mamatay kung ma-overdose nang todo-todo.”

Ang Ivermectin ay isang anti-parasitic drug at hindi pa aprubado ng FDA para sa human consumption.

Sa kasalukuyan, limitado pa lamang ang permit ng Ivermectin bilang panlunas sa parasitic ailment ng mga hayop.

Bagama’t mayroon nang nag-apply para sa compassionate use ng Ivermectin, nakiusap ang Palasyo na mas maiging hintayin na lamang ang approval nito mula sa FDA bago ito gamitin.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top