Connect with us

Malakanyang, sinabihan ang NUJP na igalang ang pananaw nito sa Nobel Prize ni Maria Ressa

Sinabihan ng Malakanyang ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na igalang ang pananaw nito ukol sa natanggap na Nobel Prize ni Maria Ressa. 

National News

Malakanyang, sinabihan ang NUJP na igalang ang pananaw nito sa Nobel Prize ni Maria Ressa

Sinabihan ng Malakanyang ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na igalang ang pananaw nito ukol sa natanggap na Nobel Prize ni Maria Ressa.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Pilipinas ay isang democratic society at bawat pananaw ay kinakailangang may pagrespeto.

Kaugnay nito, sinabihan ni Roque ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na igalang ang pananaw ng Palasyo hinggil sa nobel award ni Maria Ressa.

Una rito, inihayag ng NUJP na ang nobel peace prize award ni Ressa ay hindi lamang pagkilala sa kanyang trabaho kundi ang kahalagahan ng “freedom of the press and of expression” sa bansa at sa buong mundo.

Nangaral din ang NUJP sa Palasyo patungkol sa umano’y censorship sa mga Filipino journalist sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpahayag na rin noong una si Roque na ang nasabing parangal kay Ressa ay hindi isang sampal sa Administrasyong Duterte hinggil sa malayang pamamahayag at wala aniyang sinumang na-censored sa Pilipinas.

Nanindigan din si Roque na habang binati ng Palasyo si Maria Ressa sa pagtanggap ng naturang award, ay sinang-ayunan naman nito ang opinyon ukol dito ng national artist na si FR. Sionil Jose, kilalang national artist for literature at Ramon Magsaysay memorial awardee in journalism.

Sinabi ng palace official na nirerespeto ng gobyerno ang lahat ng komento dahil sa umiiral na demokrasya sa bansa.

Pero ani Roque, mas kapani-paniwala ang naging obserbasyon ni Jose patungkol sa sitwasyon ng malayang pamamahayag sa Pilipinas.

Batay sa social media post, inilahad din ni Sionil Jose na hindi ‘deserve’ ni Maria Ressa ang nasabing nobel award.

 

More in National News

Latest News

To Top