Connect with us

Malakanyang, nilinaw na walang naganap na exodus ng mga POGO

Walang exodus o maramihang pag alis ng ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa sa gitna ng krisis sa COVID-19.

National News

Malakanyang, nilinaw na walang naganap na exodus ng mga POGO

Walang exodus o maramihang pag alis ng ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kung saan hindi aniya ito matatawag na exodus, bagkus, inilahad ng kalihim ang usapin na karamihan sa mga POGO ang hindi nakapagbayad ng buwis.

Paliwanag ni Roque, malinaw lamang ang naging polisiya ng Department of Finance (DOF) na hindi pwedeng magpatuloy ng operasyon ang mga POGO hangga’t hindi nasasaayos ng mga ito ang mga naiwang bayarin sa buwis.

May ilang POGO firms na bigong magbayad ng kanilang tax dues, na isang requirement bago mag-resume ng kanilang operasyon.

Mababatid na nasa 20 lamang mula sa 60 mga nakarehistrong POGO sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR)  ang nakasunod na requirement ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Una rito, ipinabatid ni DOF Secretary Carlos Dominguez III na nakatanggap siya ng impormasyon mula sa may-ari ng isang gusali sa Makati City hinggil sa pagkansela sa kontrata ng ilang mga POGO sa kanilang mga inuupahang puwesto.

Sinabi naman ni Dominguez na ang pag-alis ng POGO sa bansa ay magkakaroon ng epekto sa government revenues at posibleng magkaroon din ng epekto sa mga real estate prices at iba pang mga negosyo sa Pilipinas.

Dagdag pa ng finance chief, ang property companies at iba pang mga negosyong may kaugnayan sa POGO ay siguradong magkakaroon ng paghina sa kita.

Dahil dito, magiging mas mababa ang mga income tax at value-added taxes na kinokolekta ng pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top