Connect with us

Malakanyang, nanindigan na hindi pinapabayaan ang mga medical frontliner

Nananatiling bukas ang tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa lahat ng mga Pilipino partikular  sa mga medical frontliner.

National News

Malakanyang, nanindigan na hindi pinapabayaan ang mga medical frontliner

Nananatiling bukas ang tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa lahat ng mga Pilipino partikular  sa mga medical frontliner.

Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa gitna ng hinagpis, hirap, at pagod na dinaranas ng mga ito sa laban kontra coronavirus disease o COVID-19.

Sa katunayan, patuloy ang pakikipagdiyalogo ang presidente sa mga myembro ng medical community upang alamin ang kalagayan maging ang hinaing ng mga ito.

“Alam ninyo napakalaki po talaga ng utang na loob natin sa mga medical frontliners natin. Sila po talaga ang ating mga sundalo dito sa giyera laban sa COVID-19 at naintindihan po natin iyong hirap na walang katapusan po iyong dumarating na mga pasyente dahil nga po pumasok itong mga new variants na nakakahawa.”

“Kada kami ay nagkikita po, kinukuwento niya kung sino naman ang nakausap niyang doktor dahil siya mismo po gumagawa ng hakbang para malaman kung ano talaga po ang nangyayari sa ating mga medical frontliners,” paliwanag ni Roque.

Muli namang nagbigay-pugay ang Palasyo sa mga healthcare worker sabay tiniyak na binibigay ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng mga ito.

Base sa nakapaloob sa Bayanihan Act, mayroong benepisyo ang mga medical frontliner kapag sila ay nagkakasakit.

Maliban dito, tinitiyak din ng pamahalaan na kumpleto ang kagamitan ng mga health worker tulad ng personal protective equipment (PPE) bilang proteksyon mula sa impeksyon.

“Binibigyan po natin sila ng mga dormitoryo dahil alam po natin na iyong ilang mga nurses lalung-lalo na ay nagdu-duty sila nang 2 weeks at sinasagot na po natin ang gastos ng dormitoryo ‘no.”

Inihayag naman ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na binisita nila ang ilang ospital sa Metro Manila.

Ibinahagi ni Galvez na nagtungo sila sa East Avenue Medical Center, Lung Center at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at Philippine General Hospital (PGH) para hilingin na magkaroon ng karagdagang hotels sa mga nurse at doktor na infected ng COVID-19.

“We are negotiating for 80 rooms para sa PGH, sa East Avenue po mga 20 rooms, and then also sa Lung Center ay 20 rooms at saka NKTI – with the total of 280 beds. Iyon po ay inano po namin na in-assure po namin na talagang tutulungan po ng gobyerno ang ating mga affected na mga health care workers at saka po talaga nagpu-provide po tayo ng support na at least iyong ano po, ma-ease up po iyong kanilang mga pressure.”

Nagpapasalamat naman ang pamahalaan sa mga kontribusyon ng mga medical frontliner na nangunguna sa laban ng bansa sa pandemya.

More in National News

Latest News

To Top