Connect with us

Malakanyang, mahigpit na minomonitor ang sitwasyon ng mga apektado ng bagyong Auring

National News

Malakanyang, mahigpit na minomonitor ang sitwasyon ng mga apektado ng bagyong Auring

Mahigpit na minomonitor ng palasyo ng Malakanyang ang sitwasyon sa mga lugar na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong “AURING”.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan tinututukan din ng pamahalaan ang kalagayan ng komunidad sa gitna ng paghagupit ng bagyong Auring na tinumbok ang mga rehiyon ng CARAGA at Davao maging sa iba pang bahagi ng Mindanao at ilang parte ng Visayas.

Ani Roque, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga kaukulang ahensya ng gobyerno ay naghatid ng tulong at ayuda sa mga apektadong pamilya at mga indibidwal.

Dagdag pa ng kalihim, mayroong nakalaang ₱1.2 bilyong ang standby funds ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mga apektadong pamilya sa pananalasa ng bagyong Auring.

May relief stockpiles din ang DSWD sa kanilang Central Office, Field Offices at National Resource Operations Center.

Ang Department of Health (DOH) naman ay may naka prepositioned na kabuuang mahigit ₱19 bilyong halaga ng mga medisina, medical supplies at health kits sa kanilang Centers for Health Development.

Habang ang Philippine Coast Guard ay nagpadala ng kanilang deployable response groups (DRGs) sa mga apektadong lugar para umasiste sa isinasagawang paglilikas sa mga residente.

Aasiste rin ang PCG sa rescue operations sa pakikipag-koordinasyon sa mga kinauukulang lokal na pamahalaan.

Pinayuhan naman ng Malakanyang ang publiko lalo na ang apektadong mga residente na manatiling mapagmatyag at ugaliing laging handa sa posible pang paglilikas sakaling ipag utos ito ng local authorities bilang precautionary measures.

More in National News

Latest News

To Top