Connect with us

Malakanyang, dumistansya sa inilunsad na ‘Duterte Pa Rin movement’

Dumistansya ang Malakanyang sa inilunsad na 'Duterte Pa Rin movement' na naghihimok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa panguluhan.

National News

Malakanyang, dumistansya sa inilunsad na ‘Duterte Pa Rin movement’

Dumistansya ang Malakanyang sa inilunsad na ‘Duterte Pa Rin movement’ na naghihimok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa panguluhan.

Itinanggi ng Palasyo na may kinalaman ito sa inilunsad na isang kilusan na nag-uudyok kay Mayor Sara na tumakbo sa pagka-presidente sa eleksyon sa 2022.

Ang pahayag ay kasunod ng isyu ng umano’y isang dating opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nanguna sa naturang movement.

Nitong weekend, inilunsad ang “Duterte Pa Rin movement” sa Pasay City na sumusuporta kay Mayor Sara para sa 2022 Presidential Run.

Sigaw ng grupo, “Six more years” kasabay ng pagsusulong ng kandidatura ni Mayor Sara na pinaniniwalaang epektibong maipagpapatuloy ang legasiya ng kanyang ama.

Kaugnay nito, sa isang pulong balitaan, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t batid nito at iginagalang ang kagustuhan ng maraming mga Pilipino na lumaban sa presidential race ang nakababatang Duterte, ay sinabi ng kalihim na walang kinalaman ang Palasyo sa kilusang ito.

Partikular na tinutukoy ni Roque na kahit suportado ang naturang kilusan ng mga dating administration officials, ay hindi ito nangangahulugan na involve na rito ang Malakanyang.

Gayunpaman, sabi rin ni Roque na hindi nito kilala ang tinutukoy na umanoy promotor ng naturang kilusan kaya hindi niya ito massasagot nang deretso kung may katotohanan ang naturang isyu.

Bukod sa naturang grupo, nagpahayag din ng suporta si Albay Rep. Joey Salceda kay Mayor Sara kung saan sinabi nitong nakatitiyak siyang tatakbo ang alkalde sa panguluhan sa 2022.

Giit pa ni Salceda,  akmang-akma si Mayor Sara na susunod na maging pangulo ng bansa.

Kung matatandaan, inilunsad din ng grupong Alyansa Ni Inday Movement  ang “Run Inday Run” campaign  na naglalayong  himukin si  Mayor  Sara  na tumakbo para sa 2022 Presidential election.

Bagama’t una na ring nabanggit ni Pangulong Duterte na hindi tatakbo ang anak nito sa pagkapangulo, ay naniniwala pa rin ang iba’t ibang sektor na kayang-kaya ni Inday Sarah na mamuno kapalit ng kanyang Ama, bilang pangulo ng Pilipinas.

Mababatid na naging consistent ang pangunguna ni Mayor Sara sa pre-election polls o surveys para sa posibleng presidential candidates sa susunod na taon.

Sa kabila ng banat ng mga kritiko, hindi maipagkakaila na ang kasalukuyang Duterte brand of governance ay mayroong napakalaking impact sa Pilipinas.

Iginiit ng grupong Duterte Parin Movement na kinakailangan ng sambayanang Pilipino ang susunod na 6 na taong pamamahala ng isang nakababatang Duterte na si Mayor Sara upang maipagpapatuloy ang legasiya ng kanyang ama.

More in National News

Latest News

To Top