Connect with us

Malacañang, nakatutok sa mga operasyon ng mga kinauukulang ahensya kaugnay sa Bagyong Maring

Nakatutok ang Malacañang sa isinasagawang mga operasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Maring.

National News

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, tinitiyak nila na ang lahat ng requests para sa rescue and assistance ay tutugunan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na aalalay sa rescue personnel ng local government unit (LGU).

Nakasuporta aniya dito ang Armed Forced of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP) at Bureau Of Fire Protection (BFP).

Sinabi rin ni Roque na nakahanda na ang ₱128 milyong pondo ng Department Of Social Welfare and Development (DSWD) maging ang 373,737 family food packs na nagkakahalaga ng ₱219-milyong peso.

Nanawagan naman ang Malacañang sa publiko na magpatupaad ng precautionary measures, sundin ang minimum public health standards at makipagtulungan sa kanilang local authorities sa sandaling kailangang lumikas.

More in National News

Latest News

To Top