Connect with us

Malacañang, kinumpirmang isasailalim sa alert level 4 ang NCR

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roue ang pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa alert level 4 simula sa Setyembre 16.

National News

Malacañang, kinumpirmang isasailalim sa alert level 4 ang NCR

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa alert level 4 simula sa Setyembre 16.

Sa ilalim ng nasabing alert level, pinapayagan ang outdoor dine in at outdoor religious gatherings hanggang sa 30% capacity anuman ang vaccination status.

Pinapayagan naman ang indoor dine in at indoor religious gathering hanggang sa 10 % ngunit para lamang sa mga fully vaccinated individuals.

Dapat naman fully vaccinated ang mga manggagawa ng mga naturang establisyemento.

Batay sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Roque na ipatutupad ang 3C’s o ang “closed, crowded and close contact” simula sa huwebes, ika-16 ng Setyembre.

May limang alert level din na tinukoy ng IATF kung saan ang alert level 1 ay sa may mababa at bumababa na COVID-19 transmission, total bed utilization at Intensive Care Unit (ICU) utilization rates;

Level 2, mababa rin ang COVID-19 transmission maging ang healthcare utilization pero tumataas ang total bed utilization at intensive care unit utilization rates;

LEVEL 3 ay kung mataas ang COVID-19 transmission habang tumataas din ang total bed at ICU utilization rates;

Level 4 naman ang may mataas na COVID-19 transmission maging ang total bed at ICU utilization rates; at Level 5, kung saan naka-aalarma na ang COVID-19 transmission habang nasa kritikal ang total bed at ICU utilization rates.

Ayon pa sa guidelines ng IATF, maaaring magpatupad ng granular lockdowns ang mga lungsod at municipal mayors sa bawat bahay, residential building, isang kanto, isang bloke, purok, subdivision at sa mga nayon na nasasakupan nito.

para naman sa mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown, ang mga tanging papayagang makalabas-pasok sa kanilang mga tirahan ay mga healthcare worker at non-health personnel na nagtatrabaho sa mga ospital, mga laboratoryo at dialysis facilities, at mga uniformed personnel na naatasang magpatupad ng naturang lockdown.

 

More in National News

Latest News

To Top