Connect with us

Malacañang, itinanggi na edited ang inilabas na talumpati ni Pang. Duterte sa Jolo,Sulu

Itinanggi ng Malacañang na edited ang inilabas na talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Jolo, Sulu noong Lunes.

National News

Malacañang, itinanggi na edited ang inilabas na talumpati ni Pang. Duterte sa Jolo,Sulu

Itinanggi ng Malacañang na edited ang inilabas na talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Jolo, Sulu noong Lunes.

Ito ang naging sagot ng Malacañang kasunod ng nag-leak na audio clip ng pangulo kung saan muling pinatutsadahan nito ang ABS-CBN network, dalawang Metro Manila water firms at iba pang entities dahil sa umano’y pang-aabuso.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala ginawang censorship o walang polisiya na eedit ang talumpati ng pangulo bago ilabas sa publiko.

Batay sa kumalat na audio, kabilang sa inalis  sa umano’y edited na inilabas na talumpati ng pangulo ang kritisismo nito sa pamilya Lopez sa umano’y pagkakaroon ng holding companies sa Cayman Islands at Hungary.

Maging ang tirada ng pangulo laban sa ibang grupo kabilang na sa negosyanteng si Manny Pangilinan, ang pamilya Ayala at Consunji, Rappler at mga komunista.

Sa kabila naman ng kumalat na audio recording, nanindigan si Roque na hindi ABS-CBN kundi ang mga Ayala at si Manny Pangilinan ang tinutukoy ni Pang. Duterte sa pahayag nito na nabuwag niya ang oligarkiya sa bansa na walang ipinatutupad na martial law.

Sa ginawang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu, muling binigyang diin nito na kalaban ng kanyang administrasyon ang korapsyon.

Hindi rin siya takot mamatay o tanggalin sa pwesto dahil alam niyang napaalis niya ang mga oligarkiya na kumukontrol sa ekonomiya ng bansa kahit hindi nagpatupad ng martial law.

Ani Duterte, naging plataporma nyang sugpuin ang korapsyon sa bansa ng sya’y tumatakbo pa bilang presidente kung kaya’t nasisiyahan siyang unti-unti ay nagagawa nya ito.

Muling pinayuhan naman ni Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag nang tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa dahil pagod lamang ang makukuha nito sa pagiging presidente.

Matatandaang makailang beses nang nagpahayag ang pangulo ng kanyang pagkadisgusto na tumakbo si Inday Sara sa pagka-pangulo.

 

https://credit-n.ru/order/zaymyi-bistro-dengi-leads.html екапуста займ на картузайм под материнский капитал челябинскзайм 1000 рублей на киви первый займ без процентоввзять займ онлайнзайм на карту срочно займ под высокий процентзайм под птс казаньоформить займ на яндекс деньги займ наличными москвазайм мгновеннозайм на карту от 18 лет ваш займ 24первый займвеб займ телефон горячей линии займ на карту круглосуточнобыстрый займ онлайнкиви займ займ на карту онлайн срочно без отказаманисто займэкспресс займ москва

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top