Connect with us

Makupad na pagpapalabas ng DBM ng pera gamit ang Bayanihan 2, kinalampag

Dismayado si Sen. Kiko Pangilinan sa Department of Budget and Management (DBM) dahil sa mabagal nitong pagpapalabas ng pera sa ilalim ng Bayanihan 2 na inaasahan ng magexpire sa susunod na buwan.

National News

Ayon kay Pangilinan, ang galawang ito ng DBM ay nakakapagpabagal sa COVID 19  response at recovery efforts ng pamahalaan mula sa krisis.

Batay sa ulat ng DBM nasa ₱92.3 billion pa lang ang nailalabas nito mula sa kabuuang ₱165.5 billion na stimulus fund sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na mageexpire sa  December 19.

Matatandaan na ang Bayanihan 2 ay ipinasa para tuloy tuloy na mabigyan ng ayuda  ang mga apektadong Pilipino sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP).

Nakasaan din sa batas na gagamitin ang pera para sa pagpapautang sa mga maliliit na negosyo na apektado ng krisis.

More in National News

Latest News

To Top