Connect with us

Makati City, mayroon ng biomedical refrigerators at lab freezers

Nakakuha na ang pamahalaan ng Makati City ng 42 biomedical refrigereators at laboratory freezers bilang paghahanda para sa pagdating ng COVID-19 vaccines.

National News

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na ang mga regrigerators at freezers ay upang masiguro na ang mga bakuna ay maayos na naka-imbak at hindi masayang.

Ani Binay, habang iniintay nila ang pagdating ng mga bakuna ay inihahanda na ng kanyang pamahalaan ang vaccination sites, depots at iba pang-logistics na kailangan para sa cold-chain management.

Sinisiguro naman ni Binay na ginagawa nila ang lahat upang matupad ang 100% vaccination rate sa Makati.

Ilalagay naman ang mga freezers at refrigerators sa vaccine depot na itinatayo sa city hall quadrangle na inaasahang matatapos sa isang linggo.

More in National News

Latest News

To Top