Connect with us

Makabayan Bloc, tinawag na trojan horse ni Pastor Apollo C. Quiboloy

National News

Makabayan Bloc, tinawag na trojan horse ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Tinawag ni Rev. Dr. Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na Trojan Horse ang Makabayan Bloc dahil sa kagustuhang ibagsak ang pamahalaan.


Sinabi ni Pastor Apollo na ginagamit lang ng mga ito ang mga pondo ng gobyerno para sa interes ng CPP-NPA-NDF.


Nagkukunwari lang din aniya na Makabayan sila.


Samantala, una nang nanawagan ang Liga Indepedencia Pilipinas at League of Parents of the Philippines na patalsikin na ang Makabayan Bloc sa Kongreso dahil matagal na nilang nililinlang ang mga Pilipino.


Idinulog rin nila sa Commission on Elections na idisqualify na ang Kabataan at Gabriella Partylist sa susunod na halalan.


Iginiit ng grupo na panahon na raw na tuluyan nang wakasan ang kanilang masasamang gawain matapos ang higit 50 taong pagtitiis ng mga Pilipino dahil sa mga krimen at mga hindi makataong ginagawa bilang front organizations ng CPP-NPA-NDF.

More in National News

Latest News

To Top