Connect with us

Makabayan Bloc, natakot kay Ka Eric

Makabayan Bloc, natakot kay Ka Eric

National News

Makabayan Bloc, natakot kay Ka Eric

Sa naganap na House Inquiry on Committee on Human Rights (CHR)  nito lamang Nobyemre 15 ay nagtagpo ang mga miyembro ng Makabayan Bloc at si Jeffrey “Ka Eric” Celiz ng Sambayanan na kontra CPP-NPA-NDF.

Si ka Eric ay kilala na isa sa tumindig laban sa malaking sindikato ng bansa na kung tawagin ay CPP-NPA-NDF, minsan naring nakasama ni ka Eric ang iilang miyembro ng Makabayan Bloc na nasasangkot sa mga kilos at galaw ng CPP-NPA-NDF, bagay para malaman nito ang lahat na nangyayaring operasyon sa loob ng kilusan.

Pero dahil sa ginagawa ng komunistang teroristang grupo o CPP-NPA-NDF na di katanggap tanggap, nag pasya si Ka Eric na talikuran ang dating buhay rebelde at mag balik loob sa gobyerno.

Kaya naman nang muling mag harap ang dalawa patungkol sa Human Rights Defenders Bill o panukalang batas na naglalayong proteksiyunan ang lahat ng karapatang pantao, na isinusulong ng makakaliwa, di maipinta ang mukha ni Bayan Muna representative Carlos Isagani Zarate nang mag-salita na si Ka Eric laban dito.

Isa sa pahayag ni Ka Eric na inalmahan ng mga miyembro ng Makabayan Bloc ay ang walang imik ng mga nagsusulong ng nasabing panukalang batas na sina Congressman Edcel C. Lagman at ni Rep. Jose Christopher Belmonte sa nangyaring pamamaslang ng mga katutubo mula sa napakaraming mga tribo.

Kitang-kita sa ipinalabas na video kung gaano ka apektado ang mga miyembro ng makabayan bloc lalo na congressman Carlos zarate dahil sa naging pahayag ni Ka Eric.

Kahit si Congressman Ron Salo ay hindi rin pinalagpas sa pangbabara ni Zarate nang magpakita ito ng suporta kay Ka Eric.

Dagdag pa ni Salo, na hindi naman binanggit ang pangalan nila Carlos Zarate at iba pang miyembro ng Makabayan Bloc ni Ka Eric sa kaniyang naging pahayag bagkos CPP-NPA-NDF lamang ang binanggit nito, bagay na ipinagtaka ni Salo kung bakit tinawag ni Zararte na red tagging ‘di umano ang pahayag ni Ka Eric.

Ayon sa mga komentaryo ng mga tao sa nangyaring pagdinig, ay halata ang pagkatakot ng Makabayan Bloc ng magsalita si Ka Eric na halos ayaw nila itong mabigyan ng pag kakataon sa mga ipapahayag nito.

 

More in National News

Latest News

To Top