Connect with us

Makabayan-bloc, itinanggi ang koneksyon sa CPP-NPA

Itinanggi ng Makabayan-bloc ang koneksyon nito sa CPP-NPA-NDF sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security patungkol sa Red tagging.

National News

Makabayan-bloc, itinanggi ang koneksyon sa CPP-NPA

Itinanggi ng Makabayan-bloc ang koneksyon nito sa CPP-NPA-NDF sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security patungkol sa Red tagging.

Pero sa paglitaw ng mga dating myembro ng NPA ay pinatotohanan ng mga ito na ang Makabayan Bloc ay legal front nga ng CPP-NPA.

Kasama dito sina Rep. Sarah Elago ng Kabataan Partylist, Bayan Muna Carlos Isagani Zarate, Neri Colmenares, Teddy Casino at ang Sec. General Joan May Salvador ng Gabriela Partylist.

Bawat isa sa kanila ay itinanggi na myembro sila ng Communist Party Of the Philippines kasabay sa pagkundena ng umano’y ginagawang Red tagging ng mga otoridad.

Ani Rep. Carlos Isagani Zarate,”Tahasan kong sinasabi sa komiteng ito Mr. Chair na hindi ako miyembro ng Communist Party of the Philippines o CPP. Hindi ako rebelde at hindi ako miyembro ng National Democratic Front of the Philippines,”

“Tahasan ko ring pinasisinungalingan na ang aking partido, ang Bayan Muna, ay creation at kontorolado ng Communist party of the Philippines,”

Sa pahayag naman ni Former Bayan Muna Representative, “Ito po ang panganib ng red tagging: pararatangan kang komunista, terorista, communist front, o kasabwat ng mga komunista upang ikaw ay takutin, dungisan ang pangalan, palabasing sangkot ka sa ilegal na gawain, at i-set up sa mga gawa-gawang kaso o mas matindi, para bigyang katwiran ang iyong pagpatay.”

Itinaggi rin nila Elago ng Kabataan Partylist at ng Sec Gen. na konektado sila sa CPP.

Si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares naman ay  kinuwestyon ang kredibilidad ni Jeffrey Celiz o Ka Eric na nagpakilalang dating Kadre  ng New People’s Army.

Hirit ni Colmenares, papanong magtetestigo ito laban sa kanila gayong kasama ito sa narco list ng Pangulo noong 2016.

Aniya, “Ang interpretasyon namin, Mr. Chair, hindi siya asset. Tingin namin nagsisinungaling siya na asset siya… Talagang na-involve siya sa drug list dahil may basis ang Presidente doon sa pag-involve niya sa drug list.”

“Pagkatapos niyang na-involve doon, saka siya na lang siya pumunta sa military at nagsabing puwede ba proteksyunan niyo ako sa tokhang pero magte-testify ako kung sino ang gusto ninyong i-testify ko. That is our interpretation and it’s up for the Senate to interpret that.”

Ngunit ang lahat ng pahayag ng Makabayan block, binaliktad ni Ka Eric matapos itong mabigyan ng pagkakataon na magsalita sa harap ng mga mambabatas sa mataas na kapulungan.

“Sa loob po pinakanumber 1 na dapat mong mamaster  ay ang pagsisinungaling – makakapagsasabi ka lang ng totoo kapag lumabas ka na,” ang paunang salita nito Ka Eric sa ginawang pagdinig.

Samantala, inilahad din ni Ka Noel na dati ring kadre, na gaya ng patotoo ng statement ni Ka Eric ay sinabi nitong kapag hindi nito kausap ang hindi nila kabaro ay obligado silang magsinungaling o hindi magsabi ng totoo.

Inilabas din ni Ka Noel ang screen shots ng mga written Document ng Constitution ng CPP na kung saan isa sa mga mandato sa mga kasapi nito ay ang pagbuo ng mga Partylist o Partido.

Si Ka Amihan na dati ring Kadre ay na una nang nagtestimonya noong unang pagdinig ay nagpalabas naman ng mga litrato kasama si Rep. Sarah Elago at iba pang kadre ng CPP habang nagsasagawa ng recruitement.

Sinabi naman ni Sen. President Vicente “Tito” Sotto III lumalabas sa pagdinig na may basehan ang warning ni Southern Luzon Command chief, Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa mga artista lalo pa aniya batay sa mga testimonya ng mga dating NPA ay nagsimula ang mga ito sa pagsali sa mga aktibistang grupo.

Tinanong naman ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Casino kung kinukudena ba nila itong mga sinasabing narecuit ng Bayan Muna, Anakbayan na lumalaban sa gobyerno at gumagawa ng krimen  ay nanindigan si Casino na hindi nila kayang tuligsain ito.

Bago naman ito ay sinabi ni Ka Noel na nakasulat sa CPP constitusyon na ang bawat myembro ay mandato na pangalagaan ang kapwa myembro hanggang sa kamatayan.

Si Nica Alex Monteguado muli namang sinabi na hindi polisya ng gobyerno ang red tagging, aniya katotohanan lamang ang inilababas ng pamahalaan.

“Sa ngayon po, unang una hindi po polisiya ng gobyernong ang red tagging ang ipinapaalam po natin ay katotohanan.”

Samantala, dahil sa bigla namang nawalan ng internet connection ang buong Senado habang on going ang public hearing ay minabuti na ng Komite na suspendihin ang hearing.

More in National News

Latest News

To Top