Connect with us

Maigting na internal cleansing, ipinanawagan sa bagong PNP chief

Welcome development para sa mga kongresista ang pagkakatalaga kay Police General Guillermo Eleazar bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief.

National News

Maigting na internal cleansing, ipinanawagan sa bagong PNP chief

Welcome development para sa mga kongresista ang pagkakatalaga kay Police General Guillermo Eleazar bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief.

Si Eleazar ang papalit kay outgoing PNP Chief Debold Sinas na magreretiro ngayong Mayo a-8.

Ipinapanawagan naman ngayon ni Deputy Speaker Bernadette Herrera na dapat magkaroon ng magandang simula ang pamamalakad ng bagong PNP Chief.

Panawagan nito na magkaroon ng updated na paggamit ng police body cameras.

Aniya, mahalaga kasi ang paggamit ng body cameras sa law enforcement operations.

Makatutulong rin ito na makapagbigay ng proteksyon sa mga magiging subject ng operasyon dahil mailalahad kung nasunod ba ng law enforcements ng engagement protocols.

“The required use of body cams in Philippine law enforcement is long overdue. We need to provide Filipinos with ample, appropriate, and technology-updated law enforcement and protection of civil liberties,” ani Herrera.

Dagdag pa ng deputy Speaker, maibabalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis sa paggamit ng body cameras.

Lalo na sa pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa iba’t-ibang isyu tulad ng planting of evidence sa mga raid.

Paliwanag ng kongresista, “Public trust in the police has been in distress lately because of the continuing involvement of some police officers in brutality towards quarantine violators, red-baiting of community pantry organizers, misencounter with fellow law enforcers, and planting evidence during raids.”

Para naman kay ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo, internal cleansing sa PNP ang dapat na tutukan ng bagong PNP Chief.

Tulad aniya ng kaso ng pulis na si Jonel Nuezca na maaalalang namaril ng dalawang katao sa Tarlac na ngayon ay nahaharap na sa patong-patong na kaso.

Pinatututukan din nito ang pagkakasangkot ng mga pulis sa isyu ng red-tagging sa mga sibilyan, marahas na trato sa quarantine violators at iba’t-ibang isyung nakasisira sa imahe ng Pulisya.

“We expect him to clean up the PNP during his stint as PNP Chief as cases like then police officer Jonel Nuezca murdering unarmed civilians, police district offices red-tagging civilians without bases, police officers being cruel to quarantine violators, and other countless incidents pointing to police incompetence and abuse are still fresh in the minds of Filipinos,” ani Rep. Tulfo.

Welcome development naman kay Deputy Speaker Mikee Romero ang appointment ni Eleazar.

Ayon kay Romero, maganda ang track record ni Eleazar sa serbisyo pati na ang pag-iwas na masangkot sa anumang kontrobersiya.

“He has wisely avoided controversies. He has let common sense and fairness serve as his guides, earning the admiration of his fellow PNP officers and the general public.”

Sakop ng termino ni Eleazer ang 2021 budget process ng PNP.

Kaya asahan na isa ito sa mag-dedepensa sa budget ng Pambansang Pulisya oras na magsimula ang talakayan sa Kamara pagkatapos ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top