Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng gamot o bakuna laban sa COVID-19 o Coronavirus disease 2019 pagdating ng Disyembre.

Mahihirap na pamilyang Pilipino, unang mabibigyan ng COVID-19 vaccine

National News

Uunahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga mahihirap na Pilipino kapag dumating na ang COVID-19 vaccine sa bansa.

Ang susunod naman ay ang mga nasa middle class, maging ang mga sundalo at mga pulis.

Ani Pangulong Duterte, bumili na lamang ng bakuna ang mga mayayaman.

Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na maaring mauna ang mga COVID-19 vaccine mula sa China gaya ng Sinovac at Sinopharm.

Pahayag ng pangulo, “Ang unang makuha nga natin siguro from China. Sinovac China-phase 3, emergency authorization pati approval. Sinopharm China, sa Wuhan pa doon nanggaling yung ano, so this state. Sinopharm Beijing, Moderna, nasa stage 4 na sila. Pfizer, biotech, cansino biological China. Sa third, Zhifei- China, Inovio, Novavax, Johnson and Johnson, The Merck, First stage pa lang.”

Inanunsyo din ni Pangulong Duterte na uunahin ng China ang pagsusuply ng bakuna sa Pilipinas kung matatapos na ang pag-aaral dito.