mahigpit na seguridad

Mahigpit na seguridad, checkpoints, ipatutupad sa Cebu City

Regional

Tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa Cebu City sa gitna ng pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Cebu City Police officer-in-charge Police Colonel Cydric Tamayo na nagdagdag sila ng checkpoints upang matiyak na authorized persons outside residence (APOR) at essential workers lamang ang nakakalabas.

Image may contain: one or more people

Bagama’t nagpadala na ng 100 pulis ang police regional office 6 at 8 ay kulang pa rin ito.

Ayon kay Tamayo, kailangan pa nila ng karagdagang pulis upang mabantayan ang bawat kanto sa loob ng 24 oras.

AFP at PNP, magpapadala ng manpower sa Cebu City – Sec. Año

Magpapadala ng manpower ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Cebu City para sa mas mahigpit na seguridad.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government DILG Sec. Eduardo Año na napagkasunduan nila ito upang matulungan ang siyudad sa laban nito sa COVID-19.

Magdadagdag din ng doktor at nurses sa lugar at titiyakin na magkakaroon sila ng shifting para makapagpahinga at mai-quarantine.

Batay sa huling update, umabot na sa 4, 479 confirmed COVID-19 cases ang Cebu City.

Samantala, nasawi kaninang umaga ang isang 45 taong gulang na pulis mula Cebu City dahil sa COVID-19.

4 sa 9 na kabuuang nasawing pulis ay mula sa Central Visayas.

Umaabot na sa 518 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Nagpaabot na ng pakikiramay si PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa pamilya ng pulis na nasawi.