Connect with us

Mahigit 7.8M Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

Mahigit 7.8M Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

National News

Mahigit 7.8M Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

Pumalo na sa mahigit 19.3M ang bilang ng naibakunang doses sa bansa kung saan mahigit 7.8 milyon na ang fully vaccinated.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,  kabuuang 7,835,715 ang mga Pilipino na fully vaccinated matapos matanggap ang ikalawang dose ng kanilang bakuna.

Habang mahigit 11.5M doses ang naiturok bilang first dose.

Sinabi ni Roque na inaasahan nila na maaabot ng bansa ang target na 20M na naibakunang doses bago matapos ang Hulyo.

Inihayag ni Roque na sa tatlong magkakasunod na araw, nalampasan ng pamahalaan ang daily jab target na 500K kung saan 646,390 doses ng bakuna ang naiturok noong Huwebes.

Kaugnay nito, tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magpapatuloy ang bakunahan kontra COVID-19 kahit sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region simula Agosto 6 hanggang 20.

Ayon kay Roque, ang pagbabakuna ang pinakamabisang panlaban sa COVID-19 kaya dapat matuloy ang vaccination rollout sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

Nabanggit din ni Roque ang posibilidad na mag-umpisa na ang pagbabakuna para sa lahat.

Samantala, dumating na sa bansa ang karagdagang 1M  doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Authority (NAIA) Terminal 3 ang CEBU pacific’s flight 5J 723 lulan ang panibagong batch ng bakuna na mula Beijing, China.

Sinalubong ang bakuna ni Health Secretary Francisco Duque III at mga kinatawan ng National Task Force Against COVID-19 (NTF).

Nauna nang dumating sa bansa ang 1.5M doses pa ng naturang bakuna noong Huwebes, ika-29 ng Hulyo.

 

More in National News

Latest News

To Top