Connect with us

Mahigit 150 para-athletes, sasabak sa online chess contest ng Pilipinas para games

Mahigit 150 para-athletes, sasabak sa online chess contest ng Pilipinas para games

Sports

Mahigit 150 para-athletes, sasabak sa online chess contest ng Pilipinas para games

Sasabak ang mahigit 150 para-athletes sa buong bansa sa 2021 Philippine Sports Commission – Pilipinas Para Games (PPG) online chess competition.

Ayon kay PSC Oversight Commissioner for Para-Athletes, Arnold Agustin, itoý isang proyekto na inilulunsad upang tugunan ang pangangailangan sa pagpapaunlad ng grassroots sports para sa mga para-athlete.

Dagdag pa ni Agustin, nakatuon ang pokus ng komisyon sa chess dahil ito ang isa sa mga pinakamahusay na solusyon upang patuloy na magamit ang buong potensyal at muling makapasok sa sports ang mga para-athletes.

Magsisimula ang kompetisyon sa Nov. 19 sa pamamagitan ng zoom at magtatapos naman sa Nov. 21.

Nagsimula naman ang para-chess online technical workshop noong Nov. 7 para ihanda ang mga national para coaches at technical officials para sa kompetisyon.

Continue Reading
You may also like...

More in Sports

Latest News

To Top