Connect with us

Mahigit 1,000 high value target, naaresto ng PDEA

Ibinida Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa mahigit 1,000 na mga high value targets sa bansa ang naaresto ng ahensya.

National News

Mahigit 1,000 high value target, naaresto ng PDEA

Ibinida Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa mahigit 1,000 na mga high value targets sa bansa ang naaresto ng ahensya.

Sa budget hearing ng PDEA sa senado ay sinabi ni PDEA  Director Wilkins Villanueva na ang 447 nilang naaresto ay mula sa kanilang high impact operations, 364 naman ang nahuli bilang kanilang Target listed, 108 ang mga Drug Den Maintainers.

57 ang Foreign Nationals, 54 ang gov’t employee, 33 ay mga elected officials, 29 ang wanted listed, 16 ang drug lord leaders and members, 11 ang uniformed personnel, 1 Armed Group member at isang sikat na celebrrity.

Sinabi ni Villanueva na naaresto ang mga nasabing high value target sa unang 7 buwan ng taong 2020.

Napagalaman din  sa budget hearing na nasa 18,000 ang ginawang anti drug operations ng PDEA mula Enero hanggang Hulyo kung saan nasa 26,000 na mga drug personalities ang kanilang naaresto.

Inuulat din ni Villanueva na nasa 19,876 ang drug cleared barangays mula noong July 31, 2020.

Samantala nasa 34.47 %t mula sa 42,025 na mga barangay ang apektado pa rin ng Droga pero ito aniya’y mas mababa sa 24,000 na drug affected barangay noong 2017.

Nasa 7,000 barangay naman sa buong Pilipinas ang hindi apektado ng Illegal na droga.

Samantala, nasa P2.7 Billion naman ang proposed budget ng PDEA para sa 2021.

More in National News

Latest News

To Top