Connect with us

MAHARLIKA Partylist, nakapaghain na ng CONA para sa 2022 elections

Pormal nang nakapag-hain ng Certificate of Nomination and Acceptance o CONA ang MAHARLIKA Partylist sa pangunguna ng First Nominee nito na isang Humanitarian Awardee, at Negosyante na si Alvin Sahagun.

National News

May be an image of 3 people and people standing

Isa ang Maharlika Partylist sa mahigit sang-daang bagong grupong susubok sa 2022 National Election. Kung papalarin aniya at makakuha ng seats ay isusulong ng Maharlika Partylist ang kapakanan ng ating mga kababayang Indigeneos People o IP at mga napabilang sa mga marginalized sector.

May be an image of 1 person and standing

Naniniwala ang Maharlika Partylist na kung ang social status ng majority ng populasyon ng Pilipinas, ay maging middle class o angat ang estado ng pamumuhay, magagawa nating ibalik ang mga Pilipino sa pagiging Maharlika.

Isusulong rin ng Maharlika Partylist ang mga hakbang upang hubugin ang kasanayan ng ating mga katutubo, pagbibigay livelihood o puhunan upang makapag-simula ng Negosyo at iba pang mga inisyatibo na makakatulong sa pag-unlad ng bawat komunidad.

May be an image of 3 people and people standing

Ang salitang MAHARLIKA ay nangangahulugang…

M-alawakang

A-lyansa para sa

H-alaga ng kultura’t kasaysayan, at

A-dbokasiya tungo sa

R-esponsableng

L-iderato at

I-deyolohiyang pang

K-ahusayan at

A-sensadong pamayanan

More in National News

Latest News

To Top