magulang CPP-NDF-NPA Korte Suprema

Magulang ng nabiktima ng CPP-NPA-NDF, nagsampa ng kaso sa Korte Suprema

National News

Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang magulang ng isang estudyanteng nabiktima umano ng communist-terrorist group na Anakbayan.

Inihain ni Gng. Relissa Lucena, nanay ng naturang estudyanteng si Alicia Jasper Lucena, ang Writ of Amparo at Habeas Corpus laban sa mga lider ng teroristang grupo.

Kasama sa sinampahan ng kaso sina Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, Anakbayan National Spokesperson Alex Danday, Anakbayan recruiters Charie Delos Reyes, Bianca Gacos, Jay Roven Ballais Villafuente at Atty. Maria Kristina Conti.

Pinuri naman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Legal Cooperation cluster si Gng. Lucena.

Sa press statement ng NTF-ELCAC, inihayag nitong maisisiwalat na ang mga mapanlinlang na pamamaraan ng mga makakaliwang grupo para makapag-recruit ng mga inosenteng estudyante sa mga paaralan. Kasama na rito ang Kabataan at League of Filipino Students.

Kinundena naman ni NTF-ELCAC, LCC Spokesperson Atty. Marlon Bosantog ang Makabayan Bloc sa Kongreso dahil walang hiyang paggamit sa kanilang anak na kasama sa mga makakaliwang grupo, habang nagmamakaawa ang Senado na pauwiin na ang mga ito mula sa panlilinlang ng mga communist-terrorist group.