Connect with us

Magsasaka PL Rep. Cabatbat, pinalalayas sa kanyang opisina sa Kamara

Pinaaalis ngayon sa kanyang opisina sa Kamara  si Magsasaka PL Rep. Argel Cabatbat ng national chairman ng grupo.Sa notice na may petsang November 29, 2021

National News

Magsasaka PL Rep. Cabatbat, pinalalayas sa kanyang opisina sa Kamara

Pinaaalis ngayon sa kanyang opisina sa Kamara  si Magsasaka PL Rep. Argel Cabatbat ng national chairman ng grupo.

Sa notice na may petsang November 29, 2021, ipinagutos ni Soliman “Dexter” Villamin Jr. kay Rep. Cabatbat at Atty. General Dy na bakantehin ang congressional office ng party-list sa House of Representative sa loob ng dalawang linggo matapos matanggap ang kautusan.

Ang kautusan ay ginawa ni Villamin matapos na maglabas ng desisyon ang Commission on Elections (COMELEC) 1st Divsion noong November 25, 2021 na nagbabasura sa petisyon ng paksyon ni Rep. Cabatbat at Atty. Du.

Nais kasi ng kabilang partido na ibasura ng COMELEC ang inihaing Manifestation of Intent to Participate (MIP) ni Villamin para makasama sa party-list election sa 2022 ang partido

Ito’y dahil hindi na umano nila kinikilala si Villamin bilang national chairman ng partido dahil sa mga isyu.

Ngunit sa desisyon ng COMELEC 1st Division, sinasabi na hindi sumasang-ayon sa konstitusyon ng partido ang pagsuspinde, pagtanggal sa opisina at pagpalit kay Villamin.

Open photo

“From the foregoing, it is clear, that you do not have any authority left to remain as representative and Officer of MAGSASAKA PARTYLIST, which Constitutions and by laws you have deliberately defiled. As in the rule of Succession, the Second Nominee will take office immediately two weeks after the receipt of this letter,” saad pa ni Villamin.

Maliban sa pagpapaalis sa sa opisina ipinagutos din ni Villamin sa kampo ni Rep. Cabatbat na isumite ang full audited financial porter ng Magsasaka PL congressional budget at disbursement sa loob ng 5 araw matapos matanggang ang notice.

Binibigyan din ng dalawang linggo ni Villamin si  Rep. Cabatbat at Atty. Du para i-endorso at i-turnover ang lahat ng congressional documents na hawak nila sa 2nd nominee ng party-list.

Open photo

“You are hereby warned that your actions contrary to the obvious legal score within the party will only aggravate your liabilities in a criminal, civil or administrative case that maybe filed against you for your continuous violation of our Saligang Batas at alituntunin and for putting our Party at risk,” dagdag pa ni Villamin sa kanyang kautusan.

Sinisikap naman ng Sonshine Radio na makuha ang reaksyon ni Rep. Cabatbat sa inilabas na desisyon ng COMELEC at ang kautusan ni Villamin sa kanyang kampo.

More in National News

Latest News

To Top