Connect with us

Magkasunod na alegasyon nina Sen. Pacquaio at Trillanes vs Duterte admin, kinuwestyon

Nagtataka ngayon ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang magkasunod na expose ni Sen. Manny Pacquiao at ang kilalang oposisyon na si dating senador na si Antonio Trillanes IV.

National News

Magkasunod na alegasyon nina Sen. Pacquaio at Trillanes vs Duterte admin, kinuwestyon

Nagtataka ngayon si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ at chairman ng SMNI News sa magkasunod na expose ni Sen. Manny Pacquiao at ang kilalang oposisyon na si dating senador na si Antonio Trillanes IV.

Tanong ng butihing pastor, nag usap ba ang mga ito kaugnay ng kanilang patutsada laban sa administrasyon?

” Naga-usap ba kayo? Tinitira ninyo ngayon diridiritso hindi ako nagsalita, pero patutsada lahat sa gobyerno ng ating pangulo, wala kang respeto, pero si Mr. Antonio Trillanes, pinangalanan na niya.Nag-plunder daw ang ating presidente at si Bong Go sa gobyerno, two plus two, equals? Equals five, kayo na mag-isip mga kapatid.”

Ibinaling naman ni Pastor Apollo ang isyu ng kurapsiyon kay Sen. Pacquiao matapos ibunyag ni Pang. Duterte ang posibleng ₱2.2 B tax ivasion case laban sa senador

Dahil dito muling iginiit ni Pastor Apollo na ang senador ang dapat unang ipasok sa kulungan na gusto nitong itayo para sa mga kurap.

May be an image of 1 person and text

” 2.2 billion ang utang mo sa gobyerno natin na hindi mo pa binayaran,kinorte ka na pala dito panahon pa ng unang pamamahala ng BIR.Tapos, sabi mo korupsiyon. Hindi ako sinungaling,hindi ako tiwali, hindi ako kuntento kundi 100 percent ng mga kurap ibibilango ko silang lahat.Uubusin ko sila, sinong mauuna doon?ang merong utang sa gobyernong hindi pa binayaran dahil kurap siya. IKAW.”

Maliban naman dito ay may itinanong nais linawin ng butihing pastor sa Pacquiao kung may kaugnayan  ito sa MERS business na mismong sa compound pa ng simbahan umano ang opisina nito .

“Nagtatanong lang ako kung totoo ba itong MERS Business just like KAPPA promising 30% of your pay-in and then every month pay-out is 30% ang tubo mo, minamanage ng certain Pastor Reynaldo Kamingawan na sa iyong church compound diyan sa dadiang heights sa General Santos City. Totoo ba ito o Hindi? Pakisagot lang,” tanong ng butihing pastor.

More in National News

Latest News

To Top