Connect with us

Magalong, umaming may nalabag sa health protocols sa dinaluhang party

Kinumpirma ni dating Tracing CZAR at Baguio City Mayor Benjie Magalong na nagpositibo ito sa COVID-19 virus.sumailalim siya sa RT-PCR test

National News

Magalong, umaming may nalabag sa health protocols sa dinaluhang party

Umamin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na siya ring contact tracing czar ng bansa na mayroong naging pagkukulang sa health protocols sa isang party na kanyang dinaluhan kasama ang kanyang asawa.

Ang nasabing party ay inorganisa ng isang eventologist at social media personality na si Tim Yap.

Ang party na isinagawa sa The Manor at Camp John Hay ay dinaluhan ng ilang bisita na nakitang hindi sumunod sa health protocols gaya ng physical distancing, pagsusuot ng masks.

Sa isang panayam, sinabi nito na tao lamang siya at nadala lamang sila ng masayang aktibidad kung kaya’t nakalimutan nilang sundin and health protocols.

Inamin din ni Yap na siya ang may pakana ng party at sinabing layon nito na i-promote ang Baguio bilang isang local tourist sport at sinabi din nitong lahat ng bisitang dumalo ay nag negatibo sa COVID-19 dahil isa ito sa requirements ng Baguio City.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Department of Tourism (DOT) in the Cordillera Administrative Region (CAR) ang party na isinagawa sa lungsod.

More in National News

Latest News

To Top