Isang magnitude 4.8 na lindol ang yumanig kaninang alas 8:28 ng umaga sa Luzon ayon sa Phivolcs.

Magnitude 4.8 na lindol yumanig sa Zambales at Metro Manila

National News

Isang magnitude 4.8 na lindol ang yumanig kaninang alas 8:28 ng umaga sa Luzon ayon sa Phivolcs.

Sa impormasyon na ipinadala ni DOST Undersecretary at Phivolcs Director Renato Solidum, natukoy ang sentro ng lindol 7km Hilagang-Kanluran ng Cabangan, Zambales na may lalim na 55km.

Dagdag pa ni Solidum na naramdaman ang Intensity 4 sa San Felipe, Zambales, habang Intensity 3 naman sa Quezon City at Malabon City.

Nakatala naman ng Instrumental Intensity 3 sa Olongapo City, Zambales, Intensity 1 sa Quezon City, Marikina City; Malolos City, Bulacan; Gapan City, Nueva Ecija; at Guagua, Pampanga.