Connect with us

Mabilis na pagbili ng COVID-19 vaccine, posibleng maaprubahan agad sa Senado

Inaasahan ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong  Go na mapapabilis na ngayon ang pag-apruba ng panukala para sa pagpapabilis ng pagbili ng COVID-19 vaccine maging ang para sa indemnity fund sa Kongreso.

National News

Ito ay matapos sertipikahang urgent ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang Senate Bill no. 2057 sa ilalim ng Committee Report no. 185 o mas kilala sa tawag na “An Act Expediting the Procurement and Administration of Vaccines for the Protection Against COVID-19, Providing Funds Thereof and for other Purposes”

Sa pamamagitan ng sertipikasyon ay maaring ipasa ang panukala sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob lamang ng isang araw.

Sinabi ni Go na tiwala ito na mabilis din itong aaprubahan ng mga senador lalo pa’t mahalaga ang  panukala para mas mapabilis ang  pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Muli namang iginiit ni Go na bakuna lang ang susi para unti-unti ay makabalik na ang bansa sa normal na pamumuhay.

More in National News

Latest News

To Top