Hatid Probinsya

Mabagal na pagpapauwi sa mga stranded OFWs, iimbestigahan sa Kamara

National News

Iimbestigahan sa Kamara ang isyu na kinakaharap kaugnay sa repatriation ng mga stranded Overseas Filipino Workers (OFWs) sa gitna ng banta ng COVID- 19 pandemic.

Pangungunahan  naman  ng House Committee on Public Accounts ang isasagawang imbestigasyon.

Ayon kay Public Accounts Chairman Mike Defensor, partikular na titignan kung saan nagkulang at kung ano ang mga solusyon na maaring ilatag ng pamahalaan para sa maagapan ang mga aberya sa pagpapauwi sa mga OFWs.

Inimbitahan naman sa hearing ang mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment(DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs(DFA), Department of Transportation (DOTr) at mga ambassador mula sa Middle East at mga OFW Representatives.

Partikular sa iimbestigahan ay kung bakit mabagal ang aksyon ng mga nabanggit na ahensya sa pagpapauwi ng mga stranded OFW’s sa kani- kanilang mga probinsya.

Batay naman sa report ng DOLE, nasa 50,000 OFWs na ang napauwi  mula May 15 hanggang June 14, 2020 sa ilalim ng OFW Return Program.