Connect with us

Maayos na pagbibigay ng kompensasyon sa mga tinamaan ng COVID-19  na mangagawa, pinatitiyak

Kamakailan ay isinama ang COVID-19 sa listahan ng work-related diseases kung saan pwede nang idulog at makahingi ng pinansyal na tulong ang mga mangagawa sa  Employees' Compensation Commission (ECC) ang COVID-19.

National News

Maayos na pagbibigay ng kompensasyon sa mga tinamaan ng COVID-19  na mangagawa, pinatitiyak

Kamakailan ay isinama ang COVID-19 sa listahan ng work-related diseases kung saan pwede nang idulog at makahingi ng pinansyal na tulong ang mga mangagawa sa  Employees’ Compensation Commission (ECC) ang COVID-19.

Dahil dito, umaasa si Sen. Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor and Employment  na hindi mauuwi sa mahabang pila o matagal na antayan ang mga  mangagawa na tatakbo sa ECC para idulog ang kanilang sitwasyon.

Kadalasan po kasi, tila walang choice ang ating mga manggagawa. It is either death by COVID or death by hunger. Kapag nagka-COVID ka, madalas pong naiiwan mag-isa ang maysakit at wala tulong na maaasahan. Ngayon po, makakatakbo ang ating mga manggagawa sa ECC para sa tulong-pinansyal,” saad ng senador.

Punto ng senador na buhay ang nakataya at nakasalalay lalo na ang pangtustos sa gamot at iba pang pangangailangan ng mga manggagawang magkakasakit sa COVID-19.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, maaring makatanggap ng hanggang 30,000 compensation ang matatanggap ng mga mangagagawa, sila man ay nasa mild o malalang kalagayan dahi sa COVID-19.

Inatasan naman ng ECC ang Social Security System (SSS) at ang Government Service Insurance System (GSIS) upang pangasiwaan ang pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng programang ito.

Para sa pag-aplay ng nasabing benepisyo, ang mga manggagawa ay kailangang makapagsumite ng  certificate of employment, resulta ng kanilang RT-PCR, medical records at iba pa.

More in National News

Latest News

To Top