Connect with us

Lumalabag sa vaccination rules sa QC, ikukulong – Mayor Belmonte

Mahaharap sa pagkakakulong at multa ang mga nasa likod ng iligal na pagbebenta, na may kaugnayan sa COVID-19 vaccination sa Quezon City.

Metro News

Lumalabag sa vaccination rules sa QC, ikukulong – Mayor Belmonte

Mahaharap sa pagkakakulong at multa ang mga nasa likod ng iligal na pagbebenta, distribusyon o pagturok ng COVID-19 vaccines o vaccines slot, pamemeke ng COVID-19 vaccination cards at iba pang illegal acts na may kaugnayan sa COVID-19 vaccination sa Quezon City.

Ito ang babala ni Mayor Joy Belmonte matapos makatanggap ng mga report na ilang indibidwal ang nagtungo sa vaccination sites na may pekeng notification texts mula sa city government.

Gayunman, wala ang kanilang mga pangalan sa listahan ng confirmed vaccine recipients para sa naturang araw.

Dahil dito, inaprubahan ni Belmonte ang city ordinance no. Sp-3032, s-2021 para maiwasan ang mga iligal na gawain kaugnay sa vaccination efforts ng local government.

Sa ilalim ng ordinansa, kabilang sa ipinagbabawal ay counterfeiting, forging, altering o paggaya sa vaccine card o anumang impormasyon, lagda, seal o feature.

Ang mga lalabag dito ay pagmumultahin ng P5,000 o pagkakakulong ng hindi bababa sa isang buwan ngunit hindi lalagpas sa anim na buwan o pareho depende sa desisyon ng korte.

Kapag ang paglabag ay ginawa ng mga kumpanya, partnership, koporasyon o iba pang juridical entity, ang chief executive officer, president, general manager o iba pang officer in charge ang pananagutin.

Maliban dito, ang mga violator ay maari ring maharap sa paglabag sa Republic Act no. 9771 o ang “Food and Drug Administration Act of 1991, revised penal code at iba pang applicable laws.

More in Metro News

Latest News

To Top