Connect with us

Lt. Gen. Jose Faustino Jr., itinalaga bilang susunod na AFP Chief of Staff

Nagtalaga na ng susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Pangulong Rodrigo Duterte.

National News

Lt. Gen. Jose Faustino Jr., itinalaga bilang susunod na AFP Chief of Staff

Nagtalaga na ng susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa katauhan ni Lieutenant General Jose Faustino Jr. ng Philippine Army Commander ng Joint Task Force Mindanao at dating Acting Commanding General ng  Philippine Army at Commander ng AFP Eastern Mindanao Command.

Ani Presidential Harry Roque, ” We confirm that President Rodrigo Roa Duterte approved and signed the designation of LGEN Jose C. Faustino, Jr. as Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP).”

“We are confident that Gen. Faustino will continue the peace and development efforts of his predecessors while aggressively building up our defense capability. We pray for Gen. Faustino’s success as he embarks in his new role as AFP Chief.”

Papalitan ni Faustino si General Cirilito Sobejana na nagretiro na sa serbisyo.

Epektibo ang pagkakatalaga ng bagong AFP Chief of Staff sa pwesto bukas, Hulyo 31.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga taga  Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakapili ni Pangulong  Duterte kay  Gen. Faustino bilang susunod na hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon kay AFP spokesperson Navy Captain Jonathan Zata, ang di matatawarang karanasan at sigasig sa paglilingkod ng heneral bilang Commander at Staff Officer ang nagbigay daan sa kanya upang pamunuan ng militar.

Kabilang sa misyon ng AFP ay ang pagkamit sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top