Connect with us

Lt. Gen. Jose Faustino, itinalagang acting Commanding General ng Phil. Army

Lt. Gen. Jose Faustino, itinalagang acting Commanding General ng Phil. Army

National News

Lt. Gen. Jose Faustino, itinalagang acting Commanding General ng Phil. Army

Itinalagang Acting Commanding General ng Philippine Army si Eastern Mindanao Command Commander Lt. Gen. Jose Faustino.

Ito ang nakapaloob sa isang memorandum kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Si Lt. Gen. Faustino ang papalit sa iniwang posisyon ni Sobejana, nang manungkulan ito bilang ika-55 pinuno ng Sandatahang lakas.

Magugunitang naging bakante ang posisyon ng Commanding General ng Philippine Army mula pa noong Pebrero 4.

Si Lt. Gen. Faustino ay nagsilbi bilang pinuno ng Eastern Mindanao Command mula Enero 23 ng nagdaang taon.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal Class of 1988”.

More in National News

Latest News

To Top