Connect with us

LPA sa Silangang bahagi ng Luzon, posibleng maging bagyo 

Patuloy na binabantayan ngayong ng PAGASA weather forecasting center ang Low Pressure Area (LPA) sa Silangang bahagi ng Luzon. 

National News

LPA sa Silangang bahagi ng Luzon, posibleng maging bagyo 

Patuloy na binabantayan ngayong ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecasting center ang Low Pressure Area (LPA) sa Silangang bahagi ng Luzon.

Batay sa bulletin ng PAGASA, posible na maging ganap na bagyo ang LPA na nasa Silangan ng Infanta, Quezon sa susunod na 36 na oras.

Sakaling maging ganap na bagyo ay tatawagin itong “enteng” na panglimang bagyo ngayong taon sa bansa.

Sa 2pm rainfall advisory ng PAGASA, ang nararanasang pag-ulan ngayong dito sa Metro Manila at karatig-probinsya ay dulot ng trough (TRAP) ng LPA.

Nagdulot naman ng pagbaha at pagsisikip ng daloy ng trapiko ang pagbuhos ng ulan dito sa Metro Manila.

Kaugnay nito, nagpaalala ang PAGASA partikular sa mga lugar na prone sa pagbaha at landslide na kailangan ng ibayong pag-iingat.

More in National News

To Top