Connect with us

Local terrorist, patay sa engkwentro sa Maguindanao

Local terrorist, patay sa engkwentro sa Maguindanao

Regional

Local terrorist, patay sa engkwentro sa Maguindanao

Nagkasagupa ang mga miyembro ng Joint Task Force Central at Daulah Islamiyah-Tureife Group sa Maguindanao.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command (WESTMINCOM) commander Lieutenant General Alfredo Rosario, Jr., biglang pinaputukan ng grupong pinamumunuan ni Hassan Indal, a.k.a. Katrina ang mga sundalo sa pagdating sa Sitio Ulangkaya, Barangay Ganta, Shariff Saydona Mustapha.

Agad aniyang gumanti ang tropa ng gobyerno na nagresulta sa palitan ng putok na tumagal ng halos limang minuto.

Sa lakas ng pwersa ng mga sundalo ay napilitang umatras at tumakas ang mga lokal na terorista

Narekober sa lugar ang isang M16 rifle at labi na kinilalang si a.k.a. Adsam, anak ni Hassan Indal.

Patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang mga tumakas na kalaban.

More in Regional

Latest News

To Top