Connect with us

Local shelter plan para sa mga mahihirap na pamilya sa Maynila, aprubado na

Aprubado na ng Manila City Council ang local shelter plan ng city government na binuo ng urban settlements office para sa low-income families at informal settlers na nakatira sa critical zones sa lungsod.

Metro News

Sa ilalim ng local shelter plan, sinabi ni Mayor Isko Moreno na magbibigay sila ng disente, abot-kaya, disaster risk resilient at climate change-adaptive shelters para sa mga mahihirap na mga pamilya sa critical zones.

Ayon kay Manila Urban Settlements Office Chief Atty. Cris Fernandez, naglalayon ang plano na kumuha ng 191.05 ektarya ng lupa para i-develop sa “socialized housing projects” mula 2020 hanggang 2025.

Ang shelter plan ay magbibigay aniya ng “livable and socially responsible residential communities” para sa 14,785 households sa in-city resettlement sa 2025.

Kabilang aniya dito ang mga residente na nakatira sa mga bahay na may nakabinbin na banta ng demolisyon ngayong 2020 hanggang 2022.

Dagdag pa ni Fernandez, sa nasabing plano ay magbubuo rin ng task force para maiwasan ang konstruksyon ng bagong illegal structures sa “no-build zones and danger areas.”

Continue Reading

More in Metro News

To Top