Connect with us

Local DepEd officials, maaaring magsuspinde ng mga klase sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 case

Local DepEd officials, maaring magsuspende ng mga klase sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 case

National News

Local DepEd officials, maaaring magsuspinde ng mga klase sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 case

Maaaring ipag-utos ng Department of Education (DepEd) Regional Offices (RO) at School Division Offices (SDO) ang suspensyon ng mga klase sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases at mga nagkakasakit na guro at estudyante.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, maaaring magpatupad ang ROs at SDOs ng mga hakbang base sa sitwasyon ng kalusugan ng mga estudyante at guro sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

Nasa desisyon na rin aniya ng regional at division offices kung gaano katagal ang class suspension basta’t hindi ito lalagpas sa dalawang linggo.

Dapat din silang gumawa ng mga kinakailangang adjustment sa school calendar para masiguro na ang bilang ng mga araw ng klase sa kasalukuyang school year ay nasa loob ng minimum na 220 araw.

Habang ang mga pribadong paaralan naman ay maaaring magpatupad ng kaparehong direktiba.

Ang direktiba ay kasunod ng ulat ng Alliance of Concerned Teachers’ (ACT) na mahigit 50% ng mga guro sa Metro Manila ang may flu-like symptoms na naging dahilan ng grupo na manawagan ng dalawang linggong “health break.”

More in National News

Latest News

To Top