Connect with us

Lider ng trafficking at gun-running group, patay sa Pampanga

Patay ang hinihinalang lider ng drug trafficking at gun-running group sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.

Regional

Lider ng trafficking at gun-running group, patay sa Pampanga

Patay ang hinihinalang lider ng drug trafficking at gun-running group sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.

Sa ulat kay PNP chief Police General Debold Sinas, kinilala ang nasawi na si Gerald Espinola alyas Hapon, hinihinalang lider ng Espinola Group na sangkot sa drug trafficking at gun-running activities sa Angeles City at karatig na lugar .

Nang isilbi ang warrant of arrest para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay agad nitong pinaputukan ang pulisya.

Napilitang gumanti ang mga awtoridad kung saan tinamaan ang suspek na dinala pa sa ospital pero idineklara dead on arrival.

Nakuha kay Espinola ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 408,000 piso at caliber .45 pistol.

No description available.

Nabatid na ang operasyon ay resulta sa pagkakaaresto sa miyembro ng Espinola Group na si Vener Nulud noong Pebrero 1.

More in Regional

Latest News

To Top