Connect with us

Lider ng Dawlah Islamiyah, napatay sa Lanao Del Sur

Patay ang isang lider ng Dawlah Islamiyah matapos ang operasyon sa Lanao del Sur ngayong araw.

National News

Lider ng Dawlah Islamiyah, napatay sa Lanao Del Sur

Patay ang isang lider ng Dawlah Islamiyah matapos ang operasyon sa Lanao del Sur ngayong araw.

Ayon kay PNP chief Police General Debold Sinas, kinilala ang nasawi na si Usop Nasif alyas Abu Asraf, DI-ISIS Lanao Sub Leader at No. 2 Man ni Abu Zacaria.

Si Abu Asraf ay nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

Tumatagal nang 30 minuto ang palitan ng putok kung saan 7 pulis at isang Army officer ang nasugatan na agad namang isinugod sa ospital sa Marawi City.

Dinala pa sa Amai Pakpak Medical Center si Abu Asraf pero idineklarang patay habang nasugatan din ang kanyang asawa na si Khalil Mufliha.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang Glock 17 Pistol, mga pampasabog at isang unit ng motorsiklo.

More in National News

Latest News

To Top