Connect with us

Lider ng Ang Dating Daan na si Eli Soriano, pumanaw na sa Brazil

Press Release February 12 2021 Arnel Ignacio Kaisa na panawaganRun Sara Run Ang Award Winning Celebrity Host na si Arnel Ignacio Ay Pormal na Sumuporta para itulak ang pagtakbo ni Mayor Sara Duterte sa pagka pangulo sa 2022. Kasama ang Grupo Inday Cares na pinamumunuan ni Daniel Nobleza Pormal na IEndorso ng Actor ang Kampanya RunSaraRun2022. Ani Ni Ignacio "Dapat ipagpatuloy ang nasimulan at Nagawa ni Pangulo Duterte na Pagbabago sa Bansa at wala ng iba pa dapat pumalit sa kanya kundi si Sara Duterte Kaya Sigaw natin Run Sars Run Tayo" Ngunit hanggan sa mga oras na ito habang sinusulat ang Balita na ito ay hindi pa rin nagbabago ang isip ni Mayor Sara Duterte hingil sa Pagtakbo sa 2022. ani ni Mayor Sara Duterte sa 2034 pa siya tatakbo para Presidente nawa suportahan siya ng Taong Bayan sa kanya Desisyon ayon sa panayam ng GMANEWS Noong Pebrero 1 2022.

National News

Lider ng Ang Dating Daan na si Eli Soriano, pumanaw na sa Brazil

Kinumpirma ng grupong members Church of God International  ang pagpanaw ng lider ng simbahan nito  na si Eliseo Fernando Soriano.

Sa edad na 73 taong gulang ay namayapa na si Soriano sa Brazil at hindi na nakabalik pa sa Pilipinas dahil na rin sa kinakaharap nitong kaso.

Narito ang buong pahayag ng Dating Daan;

 

No photo description available.

Si Soriano ang tinaguriang overall servant ng simbahan niya kung saan 16 na taon na itong namalagi sa Florianoplis, Santa Catarina sa Brazil

Samantala, ayon sa social media account ng simbahan nito ay malungkot nitong ibinabalita sa publiko ang kamatayan ng church lider na nagmula pa sa Guagua, Pampanga.

Kaugnay nito ay hindi naman nilinaw ng simbahan ang dahilan ng pagkasawi ni Soriano

Magugunitang sinampahan ng patong-patong na kaso si Soriano kabilang na ang kasong rape at libel bago ito umalis sa Pilipinas at lumipad papuntang Brazil hanggang sa pumanaw na ito.

Nakikiramay naman ang Malacañang Palace sa pagkamatay ni  Soriano.

Pinuri naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dedikasyon ng church leader sa pangangaral ng salita ng Diyos.

Si Soriano ang namuno sa nasabing religious organization simula 1977 at ginawa itong Members Church of God International noong 1980.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top