Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbibigay sila ng libreng sakay sa pagbabalik operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) sa ika-3 ng Agosto.

Libreng sakay sa Pasig River Ferry Service, sisimulan na sa Lunes–MMDA

Metro News

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbibigay sila ng libreng sakay sa pagbabalik operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) sa ika-3 ng Agosto.

Pahayag ni MMDA Chairman Danilo Lim, “We are pleased to announce that everything is set for the partial resumption of the PRFS, but only half of its capacity, inclusive of ferry boat crew. Also, we will continue to provide free rides for the ferry passengers.”

Kasama sa bubuksang mga ferry station sa Lunes ay ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton and Escolta.

Magseserbisyo naman ito simula Lunes hanggang Sabado simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ngunit hanggang sa 50% porsyento lamang ang kapasidad bilang pagtalima sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force.

Kabilang sa ferry boat trip routes ay: Pinagbuhatan – Guadalupe, Guadalupe -Escolta at vice versa, kasama din ang Guadalupe to San Joaquin and vice versa.

Dagdag pa ni Lim, “We look forward to serving our passengers, compliant with the physical distancing policy and other health protocols to ensure their safety.”

Tiniyak din ng opisyal na sinailalim ang lahat ng pasilidad ng PRFS sa mandatory disinfection at nilagyan narin ng floor mark para sa striktong pagpapatupad ng social distancing.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Frisco San Juan Jr., MMDA Deputy Chairman and ferry service head na  ipatutupad ang standard operating procedures na inilatag ng  PRFS committee.

Aniya ,”We will strictly implement these precautionary measures to ensure the safety of passengers. Personnel of PRFS can deny entry at the ferry station if a passenger refused to undergo those procedures.”

Narito ang ilang panuntunan:

  • No mask, no entry
  • Panatilihin ang physical distancing sa lahat ng oras
  • Mahigpit namang ipinagbabawal ang may ubo, sipon at may body temperature na 37.5 pataas
  • Pinapayagan lamang sumakay sa board ferry boats ang nasa 21-59 taong gulang.

Mababatid na nagsimulang suspendihin ang operasyon ng ferry boat noong ika-17 ng Marso kasunod ng ipinairal na Enhanced Community Quarantine sa Luzon dahil sa banta ng COVID-19.