Connect with us

Libreng RT-PCR test sa PUV drivers, pinasasagot sa PAGCOR

Pinasasagot ni Ako-Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa (PAGCOR) ang bayad sa COVID-19 tests ng mga biyahero at sektor na apektado ng quarantine protocols

National News

Libreng RT-PCR test sa PUV drivers, pinasasagot sa PAGCOR

Pinasasagot ni Ako-Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang bayad sa COVID-19 test ng mga biyahero at sektor na apektado ng umiiral na quarantine protocols dahil sa COVID-19.

Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ahensya na ituon ang pondo nito sa public health programs ng pamahalaan.

Ayon kay Garbin na siyang chairman ngayon ng House Committee on Constitutional Amendments, dapat ilibre ng PAGCOR ang RT-PCR test ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan, transport terminals at paliparan.

Pinalilibre din nito ang RT-PCR tests ng mga drayber at pasahero ng mga UV Express, FXs at mga bus papuntang Bicol.

“Please include in the free RT-PCR testing the drivers and passengers of the UVs, FXs, buses allowed to take provincial routes like those going to and coming from Bicol,”ani Garbin.

Nitong nakaraang weekend, 80 na pasahero ng mga colorum na sasakyan papuntang Bicol ang nagpositibo sa COVID-19.

Diin ni Garbin na “ganyan ang resulta kapag walang libreng testing, magpapalusot ang marami.”

“Pero kung libre naman ang testing, lahat yan kusang-loob  na magpapa-test.”

Sa ngayon ay patuloy parin ang operasyon ng Philippine Off-Shore Gaming o POGO sa bansa sa kabila ng pagpatutupad ng mahigpit na community quarantine dulot ng pandemya.

Nangangahulugan aniya ito na kaya at dapat e-subsidize o sagutin ng PAGCOR ang bayad sa RT-PCR test ng transport sector.

At dapat aniya itong simulan sa provincial routes para maibsan ang paglobo ng kaso ng virus.

Para naman sa PUJ at PUB drivers at conductors sa Metro Manila, dapat ilaaan ang ilang bahagi ng Pantawid Pasada Funds sa kanilang COVID testing.

Kaya naman nanawagan ang mambabatas sa Department of Finance at Department of Transportation na makipagtulungan sa PAGCOR na maggamit ng taumbayan ang gambling revenues sa COVID-19 response.

“I appeal to Malacanang, the Department of Finance, and the Department of Transportation to work with PAGCOR to channel some of their gambling revenues toward provision of free RT-PCR COVID testing to all persons stranded at the seaports, airports, and transport terminals,” ang pahayag ni Garbin.

More in National News

Latest News

To Top