Connect with us

Libreng COVID-19 vaccines mula China, hindi kabayaran kapalit ng WPS – PRRD

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin pa rin nito ang COVID-19 vaccines na ibibigay sa Pilipinas kahit manggagaling man ito sa China.

National News

Libreng COVID-19 vaccines mula China, hindi kabayaran kapalit ng WPS – PRRD

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin pa rin nito ang COVID-19 vaccines na ibibigay sa Pilipinas kahit manggagaling man ito sa China.

Pero giit ni Pangulong Duterte sa kanyang talk to the people address nitong Lunes ng gabi, hindi ito magiging kabayaran sa claims ng bansa sa West Philippine Sea.

Ani pangulo,”Alam ng China ‘yan. Maski bahaan tayo dito ng vaccine, gagamitin ko pa rin pero sabihin ko hindi ito ‘yong kabayaran. Iba ito. This is philippine National Interest, this is not a health issue that nagpasalamat ako.”

Kasabay nito, ibinahagi ni Pangulong Duterte na tinawagan nito si Chinese President Xi Jinping upang makakuha ang Pilipinas ng suplay ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga Pilipino.

Ito ang naging pag-alala ni Pangulong Duterte nang magkaroon aniya sila ng phone conversation ni Xi Jinping noong kasagsagan na wala pang dumating na COVID-19 vaccines sa bansa.

Pero sambit ng punong-ehekutibo, hindi nila natalakay ang patungkol sa sigalot ng dalawang bansa sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

” Sabi ko, “Mr. President, I would like to ask for your help. Until now, the philippines is really at a loss of how to get the vaccines.” Sabi niya, “it’s okay, we will help you.” Ganoon lang. Hindi naman niya sinabi, “kalimutan mo ‘yong scarborough shoal, bibigyan kita.”

Kaugnay nito, muling binigyang-diin ng punong ehekutibo na walang mali sa pag-amin na may utang na loob ang Pilipinas sa China dahil sa ipinagkaloob na libreng bakuna.

Subalit, panindigan ni Pangulong Duterte, hindi niya ikokompromiso ang national territory o wala siyang isusukong claims ang Pilipinas sa West Philippines Sea.

“Alam mo, it is never, never wrong to say that i owe you a debt of gratitude. Totoo eh. Binigyan tayo, tinanggap natin, ginamit natin, but it does not mean na tanggapin ko ‘yong bakuna at tapos sabihin ko kalimutan ko na ‘yong claim diyan sa West Philippine Sea, okay na ‘yon dahil sa bakuna. It is never like that.”

Kung matatandaan, idiniin din ni Pangulong Duterte na hindi siya makikipag-giyera dahil lamang sa isyu ng West Philippine Sea.

Inihayag ng punong ehekutibo na mas pabor ito sa mapayapang pakikipag-usap sa China tungkol sa pinag-aagawang teritoryo.

More in National News

Latest News

To Top